MATAPOS ang limang sunod na linggo na pagtaas, bahagya namang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, nabawasan ng 60 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at 10 centavos naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Mayroon ding 40 centavos na bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Ang bawas presyo ay epektibo, ngayong umaga ng Martes.