MASUSING binabantayan ang presyo ng bottled water sa Baguio City dahil sa posibilidad na samantalahin ng mga negosyante ang diarrhea outbreak sa lungsod.
Kumilos na ang Department of Trade and Industry (DTI) para mapalakas ang monitoring sa presyo ng bottled water sa kasunod ng mga ulat na tumaas ang halaga ng mga ito dahil na rin sa mas mataas na demand bunsod ng acute gastroenteritis outbreak sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakatanggap sila ng mga ulat ng pagtaas ng presyo ng bottled mineral water.
Binalaan naman ni Magalong ang mga nagtitinda at mga establisyimento na nananamantala sa nararanasang outbreak.