Makararanas ng power interruptions ang ilang lugar na siniserbisyuhan ng SAMELCO uno, ngayong Miyerkules at bukas.
Sa abiso ng electric cooperative, mapuputol ang supply ng kuryente, simula mamayang alas otso y medya ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Ito ay para bigyang daan ang wood pole extraction at line line transfer patungo sa kongkretong poste.
Maaapektuhan ng aktibidad na ito ang Purok 2 at 3 sa Barangay Carayman.
Bukas naman, March 21, alas otso y medya ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon mawawalan ng supply ng kuryente sa Barangay Hamorawon patungong Migara, kabilang ang Happy Valley dahil sa replacement at relocation ng primary pole sa kahabaan ng P4 Brgy. Hamorawon at line clearing sa kahabaan ng Hamorawon patungong Tabawan.
Magkakaroon din ng brownout sa mga barangay sa kahabaan ng barangay patungong Dawo/Macatingog simula alas nueve ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, dahil sa replacement ng mga nasirang poste sa kahabaan ng Brgy. Sigo at Cag-anibong line clearing.