TUKOY na ng Philippine National Police ang posibleng source ng kumalat na deepfake audio ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo, iniimbestigahan na ang posibleng pagkakadawit ng hindi nito tinukoy o pinangalanang source.
Patuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Department of Information and Communications Technology para sa naturang imbestigasyon.
Tiniyak din ni Fajardo na mananagot ang nasa likod nito anuman ang kanilang intensyon.
Sa nasabing deepfake audio na AI generated, ginamit ang boses ng pangulo na tila nagpapahiwatig ng giyera laban sa China.