Tinawag ni Pope Francis ang pag-atake sa Lebanon bilang “terrible escalation” ng kaguluhan sa Middle East, sa pagtatapos ng kanyang lingguhang general audience sa Vatican.
Sinabi ng Santo Papa na “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap ang airstrikes, target ang grupong Hezbollah, kasabay ng paghimok sa international community na gawin ang lahat ng posibleng hakbang upang matigil ang digmaan.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Hindi naman partikular na tinukoy ni Pope Francis ang Israel, subalit inihayag nito ang labis na kalungkutan nang mabalitaan ang nangyayaring pag-atake sa Lebanon na nagdulot ng matinding pinsala sa mga ari-arian at buhay.
