IPINASARA ng Pasig City Government ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs), pati na ang E-games at E-bingos establishments sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Mayor Vico Sotto na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa city ordinance kung saan binigyan ang gambling operators ng hanggang 2023 para isara ang kanilang operasyon sa Pasig.
Sinabi ng Alkalde na binigyan pa nila ng mahigit isang buwan na palugit ang ibang establisyimento subalit hayagang nilabag ng mga ito ang batas at alituntunin ng local government.
Aniya, labing walo sa mga ito patuloy na nag-operate nang walang anumang lisensya hanggang ngayong Pebrero.