BINIGYANG diin ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang pagtanggi ng pnp na ipatupad ang warrant of arrest na inisyu ng international criminal court (ICC) ay pagtalima lamang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni Guevarra na ang PNP at iba pang law enforcement officers lamang ang tanging otorisadong magsilbi ng warrants of arrest sa pilipinas.
Noong miyerkules ay inihayag ng PNP na hindi nila isisilbi ang posibleng arrest warrant na inisyu ng ICC laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong war on drugs, bunsod ng “question of jurisdiction.”
Una na ring sinabi ni Pangulong Marcos na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa pilipinas, dahil ikinu-konsidera niya itong banta sa soberanya ng bansa.