7 February 2025
Calbayog City
Local

PNP, nire-review ang mga istratehiya sa paglaban sa iligal na droga

NIRE-review ng PNP ang kanilang mga istratehiya sa paglaban sa iligal na droga, makaraang makapag-adjust na ang mga trader sa mga umiiral na polisiya ng pamahalaan. 

Sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, na nakipagpulong siya sa matataas na opisyal mula sa operations at intelligence upang suriin ang mga areas na kailangan ng improvement.

Sa kanyang pagbisita sa Tacloban City, inihayag ni Marbil na bagaman gumagana pa ang mga dating istratehiya ay alam na ito at na-adapt na ng mga kalaban, kaya kailangang pagbutihin nila ang kanilang kampanya, at tutukan ang mga sources at suppliers.

Sa report ng PNP, apatnaraang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 2.7 million pesos ang nakumpiska mula sa isang drug courier sa Ormoc City, sa Leyte noong April 18.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *