NANAWAGAN ang Philippine National Police sa puganteng Televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na sa mga otoridad.
Tiniyak ni Police Major Catherine Dela Rey, Spokesperson ng Police Region Office 11, sa kontrobersyal na pastor ang kaligtasan at seguridad nito sa ilalim ng kustodiya ng PNP.
Sinabi ni Dela Rey na ang mga kaso ni Quiboloy na sexual abuse at child abuse ay bailable naman sa halagang 200,000 pesos at 80,000 pesos.
Una nang sumuko ang limang co-accused ng televangelist sa PNP at NBI, at pinakawalan din naman matapos makapag-piyansa.
Idinagdag ni Dela Rey na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang law enforcement agencies, gaya ng NBI upang alamin ang kinaroroonan ni Quiboloy.