Binigyang pugay ng Philippine National Police (PNP) ang hindi matatawarang kontribusyon ng kanilang mga babaeng miyembro sa lipunan at sa nation-building.
Sa pagsisimula ng pagdiriwang ng National Women’s Month, sa Camp Crame, nanawagan si PNP Chief, Police General Benjamin Aacorda Jr. sa kanyang mga tauhan na pagtibayin ang kanilang commitment na bumuo ng lipunan na bawat isa, anuman ang kasarian, ay mayroong pantay na oportunidad para magtagumpay.
Samantala, sampung female PNP personnel ang kinilala bilang “Juanas with Good Deeds” matapos magpamalas ng pagmamalasakit nang higit pa sa tawag ng tungkulin.
Inilunsad din ng PNP Women and Children Protection Center ang “Project Aling Pulis Everywhere,” kasabay ng panawagan sa mga kababaihan na idulog sa pulisya ang anumang uri ng karahasan na kanilang nasaksihan o naranasan.