LUMOBO na sa isa punto labing siyam na bilyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng flash floods at landslides sa Davao at Caraga Regions.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawandaan at labing anim na pasilidad ang naapektuhan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa dalawang rehiyon sa Mindanao.
Karagdagang isanlibo pitundaan animnapu’t dalawang kabahayan din ang napinsala ng flash floods at landslides.
Sa tala ng NDRRMC, mahigit isa punto limampu’t anim na milyong katao mula sa Mindanao ang naapektuhan ng masamang panahon, kabilang ang mahigit dalawandaan libong indibidwal na lumikas mula sa kanilang mga tahanan.