Lumobo na sa isa punto tatlumpu’t isang bilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, nananatiling strong at mature El Niño ang nararanasan sa Pilipinas.
Inihayag ni Villarama na mas maliit ang halaga ng pinsala ngayon kumpara sa mga naitala sa mga nakalipas na El Niño, at umaasa siyang hindi na ito lalaki pa.
Sa kasalukuyan ay limang bayan na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pinsala ng El Niño at tinatayang animnapu hanggang pitumpung lalawigan ang makararanas ng epekto nito hanggang sa Abril.