Matapos makasungkit ng dalawang sunod na gintong medalya sa Croatia at Germany, hindi nakaporma ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa World Athletics Indoor Championships sa Glasgow, Scotland.
Nagtapos ang Filipino Olympian sa pang-siyam na puwesto, makaraang ma-clear ang 5.65 meters.
Namayagpag naman sa event ang Swedish na si Armand Duplantis makaraang makapagtala ng 6.05 meters.
Pumangalawa si Sam Kendricks ng Amerika sa kanyang 5.90 meters habang pangatlo si Emmanouil (eman-wil) Karalis ng Greece na may 5.85 meters.