PINABAGSAK ni Filipino Boxer Eumir Marcial ang kalabang thai na si Thoedsak Sinam, sa ika-apat na round ng kanilang Super Middleweight Showdown noong sabado ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Dinomina ni Marcial ang unang round, sa pamamagitan ng pinakawalang sunod-sunod na kumbinasyon, at naging mas agresibo pa pagtungtong ng ikalawang round.
Ang pinoy boxer ang nagdikta ng laban at pinarusahan ang thai boxer sa pinakawalang malalakas na suntok sa ulo at katawan.
Tinapos ni Marcial ang laban sa pamamagitan ng kanyang kaliwang uppercut na nagresulta ng pagbagsak ng boksingerong thai sa lona.