INAASAHANG lumago ng limang porsyento ang pineapple exports mula sa Pilipinas noong nakaraang taon, ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO).
Batay sa latest Major Tropical Fruits Market Review, tinaya ng FAO na umakyat sa 611,873 tons ang iniluwas na pinya ng bansa noong 2023, mula sa 582,537 tons noong 2022.
Sa preliminary trade data mula Enero hanggang Hulyo ng nagdaang taon, 22 percent ang itinaas ng shipments patungong China na nangungunang pinagluluwasan ng pinya ng Pilipinas.
46 percent ng kabuuang pineapple exports sa naturang panahon ang tinanggap ng China.
Kabilang din sa Top Markets ng Philippine Exports ay Japan at South Korea.