13 February 2025
Calbayog City
Sports

Pinay Weightlifter Vanessa Sarno, pasok na sa Paris Olympics!

PAPALAPIT na ang pagtapak ng Filipina Weightlifter na si Vanessa Sarno sa pinakamalaking entablado ng kanyang karera, sa pag-qualify niya sa 2024 Paris Olympics.

Kasunod ito ng kanyang impresibong performance sa International Weightlifting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand.

Si Sarno ay isa mga huling atleta mula sa Pilipinas na lumahok sa kompetisyon, partikular sa Women’s 71-Kilogram Division.

Nanguna siya sa group B na may kabuuang binuhat na 245 kilograms, na kinabibilangan ng 110 kilograms sa snatch, at 135 kilograms sa clean-and-jerk.

Ang IWF World Cup ay isa sa dalawang mandatory events para makapag-qualify sa Paris Olympics, habang ang isa pa ay ang 2023 IWF World Championship sa Riyadh.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *