BUMAGSAK ang Filipina Weightlifter na si Rosegie Ramos sa No. 11 ng Olympic Qualifying Rankings para sa Women’s 49 Kilograms Division, subalit posible pa rin siyang makapasok sa 2024 Summer Games sa Paris.
Binuhat ni Ramos ang pinagsamang 190 kilograms sa snatch at clean-and-jerk sa Group B ng kanyang weight class sa IWF World Cup sa Phuket, Thailand.
Gayunman, ang kanyang record ay nalagpasan ng dalawa pang atleta sa Group A, na kinabibilangan nina Echandia Zarate ng Venezuela na bumuhat ng kabuuang 193 kilograms at Fang Wan Ling ng Chinese Taipei na may 192 kilograms.