BAHAGYANG umangat ang ranking ng disi otso anyos na Pinay Tennis Ace na si Alex Eala.
Mula sa ika-190 ay umakyat sa ika-189 ang ranking ni eala sa women’s tennis association (wta) bunsod ng sunod-sunod nitong panalo.
Kabilang sa mga laban ni Eala nitong nakalipas na mga buwan ay ang International Tennis Federation o ITF Luxembourg, ITF France, ITF Great Britain at iba pa, kung saan nakaharap nito ang mga pambato ng Denmark, Turkey, Netherlands, at Germany.