UMAKYAT sa panibagong career-high ang filipina tennis star na si Alex Eala sa pinakahuling Women’s Tennis Association Rankings.
Nasa no. 162 na si Eala sa singles rankings, walong puntos na mas mataas mula sa dati niyang rank na no. 170 noong April 22.
Lumabas ang bagong rankings matapos lumahok si Eala sa Mutual Madrid Open kung saan pinadapa niya si WTA no. 41 Lesia Tsurenko ng ukraine sa first round ng tournament.