KINAPOS ang Filipina Tennis Star na si Alex Eala sa W75 Trnava sa Slovakia, makaraang padapain ng seventh-seeded na si Tereza Martincova ng Czechia.
Tumagal ng dalawang oras at tatlumpu’t anim na minuto ang game pabor sa bente nueve anyos na Czechian, sa score na 3-6, 6-4, 7-6.
Nakapasok ang disi-otso anyos na pinay tennis sensation sa round of 32 ng tournament makaraang manalo back-to-back sa qualification matches.
Bagaman nag-early exit si Eala, naabot nito ang panibagong career-high na no. 176 sa WTA rankings ngayong linggo.