7 February 2025
Calbayog City
National

Pinay, patay sa sunog sa Sharjah, UAE

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang isang pilipina sa limang nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential building sa Sharjah, United Arab Emirates.

Sinabi ni DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac na nasa kritikal na kalagayan dahil sa nangyaring sunog noong nakaraang linggo, ang OFW na mister ng nasawing pinay.

Aniya, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng pinoy worker na hanggang ngayon ay nananatili sa ICU.

Inaayos na rin aniya ng pamahalaan ang repatriation ng nasawing misis, pati na ang financial at legal assistance na ipagkakaloob sa OFW na nasa kritikal na kondisyon.

Sa impormasyon ni Cacdac, labing isa ang mga Pilipino na nasa residential building nang sumiklab ang sunog.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *