NAKAHABOL ang Philippine Fencing Contender na si Sam Catantan sa 2024 Paris Olympics makaraang manguna sa Women’s Foil Event ng Asia and Oceania Zonal Olympic Qualifier, sa United Arab Emirates.
Tinalo ni Catantan si Sofiya Aktayeva ng Kazakhstan sa score na 15-14, sa finals, sa kabila ng iniindang cramps bago makuha ang slot sa Paris.
Ang pinay fencer na nakipag-compete din sa US NCAA, ay nanalo ng silver sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia noong nakaraang taon sa kabila ng tinamong injury.