TIG-isang panalo na lamang ang kailangan ng Filipina Boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas para makasali sa 2024 Paris Olympics.
Si Petecio na nakapag-uwi ng silver medal na nakalipas na summer Olympic Games sa Tokyo, ay naka-abante na sa semifinals ng Women’s 57 Kilogram Category sa 1st Olympic Qualifying Tournament sa Busto Arsizio, sa Italy.
Samantala, si Villegas ay nakapasok naman sa quarterfinals ng Women’s 50 Kilogram Event.
Kailangang talunin ng dalawang boxers ang kanilang susunod na kalaban upang maidagdag ang kanilang mga pangalan sa listahan ng Filipino athletes na sasabak sa Paris Olympics.