22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Pinay-Australian na si Abigail Adriano, gaganap na “Kim” sa Miss Saigon Ph

IPINAKILALA na ng GMG Productions ang gaganap na “Kim” sa Manila Season ng award-winning musical na “Miss Saigon” na magbubukas sa Marso ngayong taon.

Ang labing siyam na taong gulang na Filipina-Australian na si Abigail Adriano, ang gaganap na “Kim” sa Australian Production ng musical na makakasama rin sa Manila cast.

Sa post sa Instagram, ibinahagi ni Abi ang backstage photos mula sa “Miss Saigon” kung saan inanunsyo niya ang nalalapit na pagdating sa Manila.

Ayon sa Opera Australia website, sinimulan ni Abigail ang kanyang performance training sa edad na anim at ang kanyang unang role sa teatro ay bilang Alice sa “Matilda the Musical.” 

Ang pagganap naman bilang “Kim” ang kanyang unang professional lead role.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *