NARANASAN sa South Korea ang pinakamainit na temperatura noong Abril mula nang umpisahan ang komprehensibong pagre-record nito noong 1973.
Ayon sa Korea Meteorological Administration (KMA), ang average daily temperatures ay mahigit 2.5 degrees na mas mataas kumpara sa mga nakalipas na taon.
Ang pinakamataas na average national temperature sa buwan ng Abril ay 14.9 degrees celsius.
Binasag nito ang dating record na 14.7 degrees celsius na naitala noong April 1998.
Idinagdag ng KMA na nalagpasan ng average nationwide temperatures noong Abril ang 1991-2020 April average na 12.1 degrees celsius.
Noong April 14 naitala ang especially high temperature, makaraang pumalo sa approximately 30 degrees ang daytime mercury sa Greater Seoul Region at mga lugar sa Gangwon Province.