27 April 2025
Calbayog City
Sports

Pilipinas, muling natalo sa Iraq sa World Cup Qualifiers

MULING pinadapa ng Iraq ang Pilipinas sa score na 5-0 sa 2026 FIFA World Cup Qualifiers sa harap ng mahigit sampunlibong manonood, sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, kagabi.

Ito ang ikalawang sunod na talo ng Philippine Men’s National Football Team sa ilalim ng bagong head coach na si Tom Saintfiet, na wala pang isang buwan na nakakasama ng mga manlalaro.

Una nang kinapos ang Philippine Booters sa unang paghaharap laban sa Iraq sa score na 1-0, na ginanap sa Basra noong March 22.

Ito rin ang ika-apat na talo ng Pilipinas sa round of qualifiers kasunod ng pagkatalo laban sa Vietnam, Indonesia, at Iraq sa Group F.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *