INAASAHANG mananatili ang Pilipinas bilang World’s Top Importer ng bigas ngayong taon, batay sa report ng United States’ Department of Agriculture (USDA).
Sa report ng economic research service ng USDA, tinatayang a-angkat ang Pilipinas ng 3.8 million metric tons ng bigas ngayong 2024.
Ito’y makaraang ihayag ng Bureau of Plant Industry na nag-import ang bansa ng 3.22 million metric tons ng bigas simula Jan. 1 hanggang Dec. 22, 2023.
Sumunod sa Pilipinas bilang number one global rice importer ang China, Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.