IKINU-konsidera ng Pilipinas ang paglahok ng Japan sa kanilang taunang “Balikatan” Military Exercises kasama ang Amerika, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang posibilidad na sumali ang Japanese Troops sa balikatan, kasunod ng makasaysayang trilateral meeting nina Pangulong Marcos, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Sinabi ni Marcos na wala siyang nakikitang mali kung makasama ng Pilipinas at Amerika ang Japan sa military exercises sa hinaharap.
Idinagdag ng chief executive na magandang hakbang ito dahil mas mapapadali na ang pakikipag-ugnayan ng mga bansa, mas matutukan ang mga problema, at magagamit ng husto ang mga resources.