8 February 2025
Calbayog City
National

Pilipinas, dapat pigilan ang Reclamation ng China sa Sabina Shoal at Pag-Asa Cay hangga’t maaga pa, ayon sa Retired SC Justice

HANGGA’T maaga pa ay dapat nang pigilan ng Pilipinas ang umano’y ginagawang reclamation ng China sa Sabina Shoal at Pag-Asa Cay.

Ito, ayon kay Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, sa harap ng paghahanda ng China sa paglalagay ng pundasyon para makapagtayo ng artipisyal na isla sa Sabina Shoal. 

Ang naturang shoal na isang sandbank o sandbar, ay  matatagpuan 75 nautical miles o 140 kilometers mula sa Palawan at nasa loob ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ) na 200 nautical miles.

Noong sabado ay iniulat ng Philippine Coast Guard na mayroong mga namataang Chinese researchers sa Sabina Shoal.

Sa palagay ni Carpio ay nagsasagawa ng markings ang mga tsino dahil sinira nila ang coral reefs.

Iminungkahi ng retiradong mahistrado na dalhin na ng Pilipinas ang usapin ng paninira ng China sa mga coral sa tribunal ng United Nations on the Law of the Sea (UNCLOS).

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *