Naitala ang isang phreatic eruption sa summit ng Mayon Volcano, 4:37 pm, kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng apat na minuto at siyam na segundo ang naturang pagputok.
Lumikha ang phreatic eruption ng dumadagundong na tunog, pagbagsak ng mga bato, Pyroclastic Density Current (PDC), at 1,200 meters na taas ng plume na tinangay ng hangin patungong timog kanlurang direksyon.
Nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkang Mayon.