MAARI nang irehistro ang mga batang isa hanggang apat na taong gulang sa Philippine Identification System (Philsys) para sa National ID.
Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), layunin ng naturang hakbang na mas marami pang pilipino ang makapagparehistro sa philsys, kabilang na ang mga menor de edad.
Para sa pagpaparehistro ng mga bata, kailangang kasama ang isang magulang o guardian na rehistrado na sa Philsys, at magdala ng supporting documents, gaya ng certificate of live birth ng bata.
Ang Philsys number o permanent identification number ng bata ay naka-link sa kasamang magulang o guardian.