Sisikapin ng Philippine National Fencing Team na tapusin na ang kanilang paghihintay na makapasok sa olympics.
Sa harap ito ng nakatakdang pagsabak ng apat na pinoy fencers sa asia-oceania zonal qualifying tournament sa dubai sa april 27 hanggang 28.
Ang mga veteran fencers na sina Noelito Jose Jr., Hanniel Abella, Nathaniel Perez, at Samantha Catantan, ay nasa final stage na ng kanilang paghahanda, para makahabol sa huling biyahe patungong 2024 Paris Olympics.
Ang kompetisyon sa Dubai ang huling Asian Olympic Qualifying Tournament para sa team upang maka-secure ng spot sa Summer Games.