NANGAKO ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) na magre-remit sila ng dibidendo na 128.4 million pesos mula sa kanilang kinita noong 2023 sa Bureau of Treasury.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang remittance ng PFDA sa pamahalaan ay kumakatawan sa dividend payout rate na 75 percent.
Umabot sa 171.2 million pesos ang kinita ng PFDA noong nakaraang taon.
Ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) ay obligado na mag-remit ng at least 50 percent ng kanilang annual earnings sa gobyerno, alinsunod sa batas.