NA-sweep ng Petro Gazz ang Cignal sa score na 25-19, 27-25, 25-22, dahilan para mamayagpag sa 2024 Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Championships League, sa Rizal Memorial Coliseum.
Naiuwi ng Petro Gazz ang korona laban sa Cignal na undefeated team bago pumasok sa battle for gold, at na-sweep ang elimination round.
Samantala, mabilisan ding pinadapa ng Chery Tiggo ang De La Salle-College of Saint Benilde sa pamamagitan ng sweep win, sa score na 25-20, 25-23, 25-23, para masungkit ang third place.