7 February 2025
Calbayog City
National

Pertussis cases sa bansa, lumobo na sa 1,566

SUMAMPA na sa mahigit isanlibo at limandaan na karamihan ay mga bata, ang tinamaan ng pertussis o “whooping cough” ngayong taon.

Sa gitna ito ng patuloy na paghihintay ng Department of Health (DOH) sa pagdating ng mga bakuna upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na, as of April 13, umabot na sa kabuuang 1,566 ang pertussis cases sa buong bansa, simula nang mag-umpisa ang 2024.

Aniya, nasa upward trend pa rin ang pertussis cases at hindi pa ito nakikitang bababa, dahil hinihintay pa na pumasok ang epekto ng isinagawang pagbabakuna. 

Inaasahan ng DOH ang pagdating ng 3 million doses ng bakuna na magbibigay ng proteksyon laban sa pertussis, “sa lalong madaling panahon.”

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *