PERA ang nangunguna sa listahan ng Valentine’s Gift na mas nais matanggap ng mga Pilipino, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS).
Sa face-to-face survey na nilahukan ng 1,200 respondents, 16% ang pumili ng pera; 11% ang nais ng love and companionship; 10% ang bulaklak; 9% ang damit; at 5% pumili ng kahit anong regalo basta galing sa puso.
Tig-5 percent din ang mobile phone, relo at alahas, at good family relationship; habang tig-3 percent naman ang food and grocery items, at chocolates.
Mas maraming babae o 19 percent ng female respondents ang pumili ng pera, kumpara sa mga lalaki na nasa 12 percent.