Mapapanood sa Netflix ang highest grossing film na “Rewind” ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ang successful comeback movie ng mag-asawa ay ipalalabas sa Netflix simula sa March 25.
Sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar, ang Star Cinema film ay ipinalabas sa mga sinehan sa buong bansa bilang official entry sa 49th Metro Manila Film Festival.
Kasama rin sa pelikula sina Sue Ramirez, Joross Gamboa, Lito Pimentel, Ina Feleo, Ariel Ureta, Pamu Pomerada, Mary Joy Apostol, Via Antonio, Chamyto Aguedan, at Coney Reyes.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng Star Cinema na ang Rewind ang first Filipino movie na kumita ng 900 million pesos sa box office.