Suportado ng Department of Health (DOH) ang panukala ni Finance Secretary Ralph Recto na i-ban ang disposable vape products sa bansa.
Binigyang diin ng DOH na lahat ng vape products, sa kabuuan, ay nagdudulot ng malaking panganib sa kalusugan, gaya ng e-cigarette or vaping products use-associated lung injury (evali), nicotine addiction, at respiratory and cardiovascular diseases.
Idinagdag ng ahensya na ang disposable vapes ay gawa sa plastic at batteries na hindi madaling i-recycle.
Noong Martes ay ipinanukala ni Recto ang pag-ban sa disposable vapes, sa pagsasabing karamihan sa mga ito ay hindi rehistrado sa Department of Trade and Industry at hindi nagbabayad ng buwis.