UMARANGKADA na naman ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, ngayong Martes.
Tumaas ng siyamnapu’t limang sentimos ang kada litro ng diesel habang apatnapung sentimos naman sa gasolina.
Nadagdagan din ng walumpu’t limang sentimos ang kada litro ng kerosene o gaas.
Una nang inihayag ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na maaring iugnay ang fuel hike sa umiigting na geopolitical concerns sa Gaza Strip kung saan napaslang sa airstrikes ng Israel ang tatlong anak na lalaki ng isang hamas leader.