PINASINAYAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 5.133 billion pesos na Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II sa Pikit, Cotabato.
Sa inauguration ceremony kahapon, sinabi ng pangulo na mapatutubigan ng bagong irigasyon ang halos sampung libong ektarya ng sakahan, na mas malaki pa ng higit dalawang beses sa buong lungsod ng Maynila.
Mapakikinabangan din ito ng nasa apatnalibong magsasaka, at inaasahang makapagpo-produce ng isandaan at sampung kaban ng bigas kada ektarya o 1 billion pesos na production value kada taon.
Idinagdag ng punong ehekutibo na malaki ang maitutulong ng bagong irigasyon sa pagkakamit ng water at food security.
Iginiit din ni Pangulong Marcos na ito ay hindi lamang isang proyektong pang-agrikultura, kundi maituturing din na malaking imprastraktura para sa kapayapaan at kaunlaran.