HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na huwag pabayaan ang kapayapaan na ipinaglaban ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao, siyam na taon na ang nakararaan.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa anibersaryo ng SAF 44 sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite, kahapon, sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ng mga Pilipino ang hard work ng SAF 44 bilang kontribusyon sa itinulak na “Bagong Pilipinas” ng administrasyon.
Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang wreath-laying ceremony bilang pagbibigay pugay sa SAF 44.
Sabi ni Pangulong Marcos, na mababastos ang katapangan ng SAF 44 kung hahayaan na yurakan ang teritoryo ng Pilipinas.
Umaasa si Pangulong Marcos na mahahanap na ng pamilya ng SAF 44 ang kapayapaan.