NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa mga deboto na ilawan ang landas ng ibang tao ngayong ginugunita ng mga katoliko ang mahal na araw, sa pamamagitan ng kabutihan at walang pag-iimbot.
Sinabi ni Marcos na ang semana santa ay paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni hesukristo, at panahon ng pagninilay-nilay.
Inihayag ng pangulo na ipinagdarasal niya ang mga tao na tanggapin ang kanilang mga sarili bilang hindi perpektong mga nilalang, at sa pagiging totoong tao maaring maranasan ang kaluwalhatian.
Idinagdag ng punong ehekutino na hanapin ang panginoon sa ating mga minimithi, at nawa’y magkaroon ang mga pilipino ng makabuluhan at mataimtim na Semana Santa.