NAKIISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga muslim sa pagdiriwang ng Al-Isra’ Wal Mi’raj o ang “Night Journey and Ascension of Prophet Muhammad”.
Sa kanyang mensahe, kahapon, kinilala ng pangulo ang kaluwalhatian ni Allah at ang naghihintay na hindi matutumbasang pabuya sa pananatiling tapat sa pananampalataya.
Ang Al-Isra’ Wal Mi’raj ay nagiging daan sa mga muslim para maging tagapalaganap ng pagbabago sa mundo.
Kaugnay nito, umaasa si Marcos na ang okasyon ay mapanghuhugutan ng katatagan at pag-asa sa harap ng mithiin para sa mas mapayapa, inklusibo, at progresibong bayan para sa lahat ng Pilipino.