22 April 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, nakaalis na sa bansa para sa state visit sa Central Europe

NAKAALIS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Central Europe para sa kanyang working visit sa Germany at Czech Republic.

Mananatili ang pangulo sa Germany hanggang sa Marso 13, habang sa Czech Republic naman ay Marso 13 hanggang Marso 16.

Sa kanyang departure statement, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang layuning palakasin ang maritime at skills development cooperation sa Germany.

Layunin din ng biyahe na tiyakin ang magtatag na labor consultations mechanism para sa proteksyon ng overseas filipino workers sa Czech Republic. 

Inanunsyo rin ng pangulo ang kanyang pakikipagkita sa mga pinoy sa dalawang bansa.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *