Nagpatawag ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting si pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa palasyo ng Malakanyang.
Ito na ang ikaapat na LEDAC meeting ni pangulong Marcos.
Ayon kay pangulong Marcos, binalikan ng council ang progreso ng LEDAC-Common Legislative Agenda (CLA) na binubuo ng limampu’t pitong panukalang batas.
Sa naturang bilang, labing apat sa mga ito ay napagtibay na.
Saklaw ng labing apat na panukalang batas ay ang pagpapabuti sa kabuhayan, kalikasan, at seguridad ng bansa.
Una nang itinakda ang LEDAC meeting noong Enero subalit hindi natuloy. Sa halip na LEDAC, magkahiwalay na pinulong noon ni pangulong Marcos ang mga senador at mga kongresista.