Kinumpirma ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may nakatakda siyang pagpupulong sa Martes kay US Secretary of State Anthony Blinken.
Sa press conference sa Berlin, Germany, sinabi ni pangulong Marcos na pag-uusapan nila ni Blinken ang security at cooperation matters.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, darating sa bansa si Blinken sa March 18.
Hindi naman makumpirma ni Manalo kung makadadalo si Japan Foreign Minister Yoko Kamikawa sa pulong nina pangulong Marcos at Blinken.
Kasabay nito, tiniyak ni pangulong Marcos na didepensahan ang teritoryo ng Pilipinas matapos ihayag ni Chinese President Xi Jinping na pinaghahanda niya ang armed forces ng China para sa military conflicts sa karagatan.