26 March 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, hinikayat ang mga katoliko na palalimin pa ang pananampalataya sa paggunita ng Miyerkules ng Abo

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga katoliko na palalimin pa ang pananampalataya, sa paggunita ng Ash Wednesday.

Sa social media post, hinikayat din ng pangulo ang mga katoliko na magnilay-nilay.

Ibinahagi rin ni Marcos ang litrato kung saan makikitang nagpalagay ito ng krus na abo sa noo, bilang pakikiisa sa Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *