BUMUO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng human rights coordination body upang mapagbuti ang mga mekanismo para sa pagsusulong at proteksyon ng mga karapatang pantao.
Ang Special Committee on Human Rights Coordination, na nasa ilalim ng Presidential Human Rights Committee, ay inatasang panatilihin ang mga inisyatiba ng United Nations Joint Program (UNJP) on Human Rights sa larangan ng Law Enforcement, Criminal Justice at Policy-Making.
Ang three-year UNJP ay dinivelop para ipatupad ang October 2020 resolution ng UN Human Rights Council sa capacity-building at technical cooperation para sa promotion at protection ng human rights sa Pilipinas.
Pamumunuan ng executive secretary ang special committee at co-chairman nito ang justice secretary habang magsisilbing mga miyembro ang mga kalihim ng Foreign Affairs at Interior and Local Government.