20 May 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos, nakaranas ng flu-like symptoms

marcos flu-like symptoms

Nagkasakit sina pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos matapos ang kanilang biyahe sa Germany at Czech Republic.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakaranas ng flu-like symptoms ang pangulo at unang ginang.

Sumasailalim na sa gamutan ang dalawa at maayos naman ang kondisyon.

Gayunman, pinayuhan sila ng kanilang mga doktor na magpahinga para sa mabilis na paggaling.

Dahil dito, kanselado na muna ang mga appointment ni pangulong Marcos sa mga susunod na araw.

Kabilang dito ang nakatakda sanang Presidential Luncheon sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Pag-uwi ng Pilipinas matapos ang pagbisita sa Germany at Czech Republic ay nakapagpatawag pa ng pulong si pangulong Marcos sa LEDAC noong Martes.

Dumalo din siya sa roundtable ng World Economic Forum at nakasama sa dinner si US Secretary of State Antony Blinken.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *