DUMALO si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng House Quad Committee kaugnay ng war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Nagsimula ang hearing alas diyes ng umaga, kahapon, matapos unang i-anunsyo na ipagpaliban ang hearing sa gitna ng isinasagawang beripikasyon sa mga testimonya ng mga witness.
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Lunes ng gabi nang dumating sa Maynila ang dating pangulo mula sa bahay nito sa Davao City, para pagbigyan ang pangungulit ng komite at matigil na ang mga haka-haka, ayon kay dating Chief Presidential Legal Counsel, Atty. Salvador Panelo.
Sa kanyang pagharap sa Quad Comm, sinabi ni dating Pangulong Duterte na mangangalap siya ng isang milyong piso para tulungan ang mga pulis na nasangkot sa kanyang war on drugs.
Idinagdag ni Duterte na personal siyang haharap sa korte, at siya mismo ang magsisilbing defense counsel ng mga pulis.
